I am no one at all

July 1, 2008

I Feel Good

Filed under: Friendship, Lovelife...or the lack of it, Rantings, The Past...My past — Tags: , , , — iamnooneatall @ 9:46 am

I am happy that things are kind of working out for me this time. As the saying goes, if life gets so fucked up, when one is totally down, one has got nowhere to go but up.

I got a new job, and I think I’m gonna love it. Pay is better than good, people are nice to me, and alpha-male chauvinist pigs practically don’t exist. Sheer heaven.

My lovelife is non-existent, but nothing is perfect anyway. It’ll come when it comes. I have learned that I can’t force myself to have one, and I’ll just let destiny take its course. Besides, I won’t get rich with lovelife, unless I get a filthy rich danna , which is highly improbable.

I have a very caring foster family. My Tita Noemi loves me, along with my Tito Alvin. This will sound cheesy, but I just know in myself that I now have a family again. They are not perfect, but that doesn’t really matter at the end of the day. What matters is, I have people who love me unconditionally, and not because they can get or expect to get something from me. It is something new to me, but I feel good.

I feel good, and I wouldn’t mind to stay this way.

*smiles*

—————————————-

P.S.

For those self-righteous Dr. Phil types, please dont fuckin’ send me AA-type privy messages. Try to feel good using somebody else. Good day.

Paru-parong Bukid

Filed under: ChatLogs, Friendship, Tagalog/Filipino Posts — Tags: , , , , , — iamnooneatall @ 9:40 am

Session Start: Sat May 24 10:26:51 2008
Session Ident: KUroGane
[10:26] Session Ident: KUroGane (DALnet, `ToToyType) (~kill_d_FI@125.60.243.3)
[10:26] <KUroGane> cute
01[10:27] <`ToToyType> salalamt
01[10:27] <`ToToyType> alin ang cute?
[10:27] <KUroGane> walang anuman
01[10:27] <`ToToyType> wehehee
[10:27] <KUroGane> ang iyong mga larawan
01[10:27] <`ToToyType> ah taos pusong pasasalamat
[10:27] <KUroGane> walang anuman..
[10:28] <KUroGane> hehe
01[10:28] <`ToToyType> yaman lang din at napadalhan mo ako ng papuri at mangyari po lamang na ipaskil nila ang kanilang mga larawan
01[10:28] <`ToToyType> yaman lang din at napadalhan mo ako ng papuri ay mangyari po lamang na ipaskil nila ang kanilang mga larawan
[10:28] <KUroGane> hahaha
01[10:28] <`ToToyType> itoy isa lamang pakiusap
[10:28] <KUroGane> tagalog kung tagalog
[10:28] <KUroGane> care to chat? PASAY HERE.. http://www.guys4men.com/members/1181018/
01[10:29] <`ToToyType> hmm
[10:29] <KUroGane> ???
[10:29] <KUroGane> hmm?
01[10:29] <`ToToyType> di ko akalaing sadyang kay layo ng iyong kinalalagyan
[10:29] <KUroGane> wahahaha
[10:30] <KUroGane> ganun po ba
01[10:30] <`ToToyType> di ko nais na ipahiwatig na hindi ako interesado ngunit nais ko lamang ipabatid sa kanila ang aking nasasaloob
[10:30] <KUroGane> ok lang.. i just wanted to say that ur cute.. un lang..
[10:30] <KUroGane> hehe ok lang po
01[10:31] <`ToToyType> iyon lamang ba ang iyong layunin?
[10:31] <KUroGane> yeah
01[10:33] <`ToToyType> kung ganoon ay, maraming salamat at magandang umaga.
01[10:33] <`ToToyType> hehehe
[10:33] <KUroGane> yeah welcome and gudmorning as well…
Session Close: Sat May 24 10:33:35 2008

I was totoy.

Of Late

Filed under: Friendship, Haikus, Rantings — Tags: — iamnooneatall @ 8:50 am

Utter Confusion

Does altruism exist?

Is it a facade?

Joey?

Filed under: Friendship, Rantings, Tagalog/Filipino Posts, The Past...My past — Tags: , , — iamnooneatall @ 8:11 am
Heto at mananagalog muna ako ngayon, dahil sa mungkahing ng kaibigan kong si Chris Guerrero.

Bakit nga ba naging Joey ang palayaw ko, samantalang ang totoo ko naman pangalan ay Rey Joseph Nieto?

Bago iyan, natanong ko nga pala ang nanay ko kung saan niya nakuha ang pangalan ko. Noon kasing nabasa ko `yung “Guide to Baby Names” ang kahulugan raw ng Rey ay Hari at ang Joseph ay pagdaragdag, kaya Rey Joseph, parang Hari ng Pagdaragdag?

Pero isang malaking pagkakamali lang pala ang lahat dahil ayon sa aking dakilang ina, nakita raw niya ang pangalng Roy Joseph sa isang tseke na pinoproseso niya sa dati niyang opisina,nagandahan sa tunog, at dahil Reynaldo ang pangalan ng aking tatay, ay ginawa niyang Rey Joseph ang pangalan ko. Shet. Henyo.

Medyo swak na rin siguro ang pangalan ko dahil BS Math ako sa UP nang naglaon.

Noong maliit pa ako, binigyan ako ng aking ina ng palayaw na RJ, dahil uso pa noon ang mga palayaw na nabubuo ng panay titik. Isa pa ay dahil tagahanga siya ni RJ Jacinto, ang ninuno ng lahat ng gitaristang nagtayo ng restawran. Wala na akong pakialam kung buhay pa siya hanggang sa ngayon.

Nang tumuntong ako sa eskwelahan, at dahil sa na rin sa kamangmangan ng mga unggoy ko na kamag-aral, ay sinimulan nila akong tawagin na Nieto. Dumikit ang palayaw na ito hanggang dumating ako sa UP at makalabas.  Putang inang mga unggoy na iyan.

Nang mag-umpisa akong magtrabaho, napagdesisyunan kong bumalik sa tunay kong palayaw – RJ at ganun nga ang nagyari.

Nagbago ang lahat ng makilala ko ang trainer ko na si Romina Barrios noong training ko sa JPMorganChase. Ang sabi niya, hindi raw bagay sa akin ang palayaw na RJ, kaya’t pinangalanan niya akong Joey. Ang mga bugok ko naman na ka-team ay sumunod sa kanyang mungkahi. Simula noon, naging Joey na ang pangalan ko.

Shet ang babaw.

Mabuti na rin `yun kaysa naman Josephine. Toinks.

Salamat

Filed under: Friendship, Tagalog/Filipino Posts — Tags: , , — iamnooneatall @ 7:25 am

Aksidente lang ang pagkakakilala ko kay Chris. Hindi ko siya matagal na kilala. Maaring nagkakausap kami dati sa Internet pero wala kaming balak na maging  magkaibigan. Alam mo `yung nagkataon na lang na magkasabay kayong nagkakasabay mag-online tapos wala kayong ibang makausap kaya kayo na  lang ang nagtitiisan sa isa’t isa? Parang ganoon kami noon.

Nagbago ang lahat nang lumipat ako sa Makati.

Kapitbahay ko lang pala si Chris at nang nabanggit ko na lumipat ako sa malapit sa kanila ay nagpasya kaming magkita. Nakilala ko rin ang mga kaopisina niyang kasambahay rin na si Alron at Erjohn. Mukha silang isang masayang barkada, natutuwa ako.

Akala ko noong una, parang isang kakilala lang ang magiging turingan namin, iyong tipong nagkakausap ‘pag nagkakausap lang, ‘yung nagkakakita dahil nagkakakita lang, pero hindi ganoon ang nangyari.

Hindi kasi ako palakaibigang tao, marahil ay dahil madali akong mainip ‘pag kasama ng iba, pero hindi ganoon ang naramdaman ko sa kay Chris at sa mga kaibigan niya. Alam mo iyong pakiramdam na ayos lang ako kahit ako ako? Iyong gumising ako nang puno ng muta pero ayos lang rin?

Mahirap na yugto ng buhay ang pinagdaraanan ko ngayon, kung saan hindi ko na kayang banggitin pa ang mga detalye, pero napakalaking pasasalamat ko sa kung sino man, na may kaibigan akong tulad ni Chris, na mas minamahal ko pa kaysa sa aking mga kapatid.

Salamat. Salamat.

Blog at WordPress.com.